Thursday, October 22, 2009

50 things I want to do before I die


Napakaiksi ng buhay. Tama ako diba? Kahit na kaya nating mabuhay ng walumpung taon, parang bitin pa rin para magawa natin ang mga gusto nating gawin sa buhay. Marami tayong pangarap. Ngunit, palagi lang talagang natatakbuhan ng oras ang takbo ng buhay, parang Road Runner vs. Gary the Snail. Habang ako'y nagrurubik's at kakapanood lamang ng 2012 conspiracy videos sa YouTube, naisip ko kaagad ang mga gusto kong gawin, at ililista ko lahat ng naisip ko.


1. Magsub-17 sa Rubik's Cube
2. Maging valedictorian sa High School
3. Kumain sa Taco Bell at Italiannis
4. Matulog ng isambuong araw
5. Magtryout sa basketball varsity
6. Magdownload ng at least 4 gigabytes na kanta
7. Bumili ng 16 gigabytes na memory stick sa PSP
8. Maangkin itong laptop na ginagamit ko
9. Kung hindi man maangkin, magpa-assemble na lang ng Quad Core na CPU
10. Magkaroon ng PS3
11. Magkaroon ng at least 20 comments sa blog ko
12. Maging 100 million ang value sa Friends For Sale
13. Magkaroon ng class standing na at least 73.00
14. Makabili ng V-cube 5, V-cube 6, at V-cube 7
15. Makabili ng DIY kit sa Cube4You
16. Matutong magDotA
17. Magsub-10 sa Speed Stacks
18. Matutong magluto ng steamed rice
19. Magluto ng microwave popcorn
20. Makadunk ng basketball
21. Magkaroon ng at least 22 inches vertical leap
22. Matutong sumayaw na parang Michael Jackson
23. Mameet personally ang U.S. Dream Team, RP Powerade, at Smart Gilas
24. Magpa-autograph kay Bob Ong
25. Mawala ang kalyo sa paa ko
26. Mabasa ang lahat ng libro ni Dan Brown
27. Matutong maggantsilyo
28. Magpresident sa isang club
29. Magkaroon ng matinong trabaho
30. Makapunta sa ibang bansa
31. Maikot ang buong Metro Manila sa isang araw
32. Malinis ang buong area ng SM Mall Of Asia
33. Bilangin ang kotseng naka-park sa SM Mall Of Asia
34. Magkaroon ng banda
35. Matutong tumugtog ng Triangle
36. Makahawak ng bagpipes
37. Umimbento ng hovershoes
38. Maisagawa ang invisibility cloak
39. Maglaro ng basketball sa Araneta Coliseum
40. Makaisip pa ng sampung bagay na pwedeng gawin bago mamatay
41. Makapag-upload ng Angels and Demons sa uTorrent
42. Mag-upload ng sampung videos sa YouTube
43. Makatapos ng Challenging Sudoku sa loob ng sampung minuto
44. Makita ng harapan si Bigfoot
45. Umubos ng sabaw gamit ang toothpick
46. Lumunok ng isang shot ng hot sauce
47. Kumita ng 100 pesos sa tong its
48. Makapagpatayo ng sariling restaurant
49. Makabili ng Jeepney
50. Bumunot ng 5 buhok sa kili-kili ng ibang tao


Ang dami no? Marami pa nga akong gustong gawin eh. Hindi ko lang malista ngayon kasi gusto ko nang matulog. Magrurubik's muna ako ulit para makaisip pa ng limampung bagay na gusto kong gawin bago ako mamatay.


Napakahalaga ng buhay. Ito ang pinakamagandang regalo na ibinigay sa atin ng Diyos. Kaya mga bata, tandaan, huwag i-hostage ang estatwa ni Mama Mary para lang bigyan kayo ni Jesus ng bike.


"Time is Gold. But the Clock is Plastic"

-Filipino Words of "Wisdom"

3 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. tama!!!.maikli lng ang buhay ng tao..kaya dpat ginagamit ng tama..ung tipong..aayusin na lhat ng mali sa buhay bago pumanaw..tma ba ko pots?haha!.eniweiz.nakakatawa ang post mong to.haha.
    13-- sus!kayang kaya mu aman e..
    16-- pturo ka ke melvin.haha.
    20--ah eto..alam ko..balang araw alam ko kaya mo ren.:))
    22--sos!gling mo na kaya sumayaw.weh..flattred.:))
    34--mrunong ka nman sa mga instruments e.bt di ka bumuo?ako vocalist..haha!jowk!
    45--ang weird nito.sobra:))
    50--wahahahahah!ang babaw e!=))tawa kami ng tawa ni via dto e.:))

    oyan!nagcomment na ko!kip it up!lagay ka pa ng iba pa pag may tym a.haha..ayos kayo ni paulo a.gagaling!.haha.cge lng..aun..nagcomment lng!haha.ayos a..lam ko kng cnu yang jejomar pomaro na yan..ata.haha..ala lng.share.:))cge2!

    ReplyDelete
  3. Kaya mo yan, Miguel! haha.
    Basta gawin mo ang kaya mong gawin at huwag mo ipapasamamaya (parang ipapasabukas). go!go!go!
    *******
    "32. Malinis ang buong area ng SM Mall Of Asia
    33. Bilangin ang kotseng naka-park sa SM Mall Of Asia"
    --mukhang balak nang magtrabaho sa SM Mall of Asia. taray. XD
    ****
    GOD BLESS! *enjoy the sembreak^^*

    ReplyDelete