Saturday, October 17, 2009
Bakit may mga taong matatalino?
Kilala sila Albert Einstein, Sir Isaac Newton, Leonardo Da Vinci, Patrick Star, Spongebob Squarepants at Joshua Miguel Potot bilang mga taong may angking katalinuhan, maliban lamang sa pinakahuling pangalang nabanggit. Marami silang naitala sa libro ng kasaysayan sa pamamagitan lamang ng mga simpleng bagay tulad ng mga letra, mansanas, kulay, bato, pinya, at Rubik's Cube na nagtulak sa kanila para gumawa at ipakilala sa mundo ang kanilang tagumpay. Pero bakit nga ba may mga taong matatalino?
Sabi ng karamihan na walang taong mangmang. Ngunit, bakit napakalaking porsyento ng kabataan ang bumabagsak sa klase? Alam kong hindi basehan ang mga marka para masukat ang katalinuhan ng isang tao. Marami naman kasing mga sanhi kung bakit bumababa ang mga marka ng mga kabataan ngayon. Unang-una, ang teknolohiya. Hindi na naaasikaso ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral at tumutunganga na lamang sa harap ng kompyuter magdamag, laging nakikipagtext sa mga kaibigan, at nag fa-final fantasy [turuan niyo naman ako niyan]. Dahil dito, nadidikit na ang mga kabataan sa mga kagamitang ito. At binubunga nito ang isa pang sanhi ng pagbaba ng marka, ang katamaran. Nawawalan na ng gana ang mga kabataan mag-aral. Ang gusto na lamang nila ay maglaro, magkompyuter, at higit sa lahat, magkompyuter.
Hindi nakikita ang katalinuhan sa isang papel. Hindi ito nakakain; at mas lalong hindi ito nabibili [sana nabibili ito, please lang!]. Katunayan niyan, ang mga taong nabanggit sa taas ay nagmula sa miserableng kabataan. Lalong-lalo na si Mr. E-equals-M-C-squared.
Marami sanhi kung bakit may mga taong matatalino. Maaaring makuha ito sa mga magulang.Maaari ring lumaganap ito sa mga taong "mangmang" at maging matalino! O diba? Magic! Si Alberto Einstein-o ay isang makulit na bata. Bumagsak siya sa mga asignaturang matematika, agham, at Sudoku. Ngunit, dahil sa kanyang pagiging matanong at "curious", natulak siya upang sumubok ng iba't-ibang bagay na kanyang mahawakan at makita, tulad ng compass (yung north-south, hindi yung lapis-ikot), at DotA. Dahil sa pagiging matanong niya, siya'y naging isang malaking personalidad sa mundo ng agham, katulad nina Isaac Newton at Mrs. Chua. Ika nga nila, "Marunong ang nagtatanong; pinagtanungan mo, hindi marunong; nagtanong ka pa!".
Ang tao ay matalino sa ibat-ibang paraan. Merong matalino sa pasinungalingan, matalino sa patalinuhan, at matalino sa mangmangan. Peksman! Sa pagsagot lamang ng mga simpleng tanong o sa pagtulong sa mga taong may malalaking problema, tulad ng paghahanap ng isang butil ng bigas sa isang kilometrong dalampasigan, ay natatawag ka nang matalino. Huwag kang magpaapekto sa mga taong tumatawag sa iyong mangmang dahil hindi naman talaga totoo na ikaw ay ganoong uri ng tao, maliban lang kung tikman mo yung tae tapos matutuwa ka dahil hindi mo natapakan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment