Monday, September 28, 2009

Ondoy

Bumaha ba sa inyo nung Sabado; Setyembre 26, 2009 para eksakto? Kapag ika'y taga-Luzon at nabasa mo ito ay marahil binaha kayo ng mataas o mababa. Grabe no? Isang mahanging gabi naging maulang araw. Hindi naman ako nagdadrama pero, wala lang, wala talaga akong matalakay [ngiti]. Akalain mong sa sobrang daming araw na umulan, doon mismong araw na iyon ibinuhos ang drainage system ng langit. Talagang katiting lang na oras lumabas yung araw nang mahigit tatlong linggo. Tapos nun, parang bumalik ulit yung panahon ni Noah, mas kinulang nga lang sa time span.

Mga tatlong linggo na umuulan dahil siguro sa sunud-sunod na tropical depressions at bagyong tumatama sa ating mga dalampasigan. Bawat umaga, makulimlim [ang sarap tuloy matulog!]. Bawat tanghali, makulimlim. Bawat hapon, makulimlim. Bawat gabi, maku-- madilim. Talagang hindi tinamaan ang ating bansa ng sinag ng araw. Parang nawala yung araw sa watawat natin. Pero, may mga minuto namang lumabas yung malaking bituin; tsaka mababalutan ulit ng mga ulap na parang cotton candy na nalaglag sa putikan.

Ayun! Sabado ng tanghali. Nagtaka ako "tanghali nga ba?". Ang dilim kasi, tapos yung orasan namin, 12:48 P.M. Huh? Walangyanghanepasyet! 12:48?! Tanghali?! Sabagay, malamig naman. Napasarap yung panonood ko nung Ratatouille sa Disney Channel. Maya-maya, biglang nagfluctuate yung kuryente. Normal lang naman pag maulan. Maya-maya ulit, nawala yung cable. Normal lang din yan pag maulan. Nag-PSP muna ako para medyo mawala yung bagot at yung tahimik na atmosphere sa bahay. Maya-maya, nawala yung kuryente. Medyo weird kasi hindi naman palaging nawawala yung kuryente sa amin kapag umuulan. Sinilip ko yung bintana. Medyo baha. Bahagya lang naman. Nag-PSP ulit ako. Isang oras na lumipas. Tinawag ako ng kapatid ko. Yung baha daw, nasa harap na ng garahe. Hanepangwalangyangsyet! Nasa harap na?! Isang oras, nasa harap na?! Dun na ako naelibs. Ang hina ng ulan, pero bumaha. Tsaka ko lang nalaman na sobrang lalim na pala ng baha. Dun sa tapat ng gate, hanggang tuhod. Dun sa gate 1 ng Alaska, hanggang bewang. Dun sa loob ng Maintenance Power Plant, hanggang leeg. Dun naman sa Puregold, lagpas tao. Wow! Lagpas tao. Ngayon lang ako nakakita ng baha na lagpas tao. Tapos, nalaman ko na tatlong-kapat na ng Luzon ay baha.

Grabe yung kinalabasan nung baha. Sarado ang Puregold. Sarado yung DIY shop. Sarado Chowking. Buti na lang at hindi nagsara yung Ting Qua Qua. Stop ang operation ng Alaska. Grabe ang kapal ng putik sa kalsada. Kaelibs talaga. Nakakaawa nga lang yung Puregold. Sayang yung mga paninda. Sarap pa naman nung Zagu nila. Tsk.

No comments:

Post a Comment