Thursday, August 20, 2009

Who Wants To Be A Multi-Millionaire?

Bill Gates, Lucio Tan, Henry Sy, Warren Buffet, Jollibee, Ronald McDonald, at Colonel Sanders. Ano ang pagkakapareho ng mga pangalang binanggit? Hindi lahat nerd, hindi lahat enterpreneur, at lalong hindi lahat tao. Sila ang simbolo ng kayamanan at kaperahan sa ating komunidad. Sino ba naman ang hindi yayaman sa pag-imbento ng sikat na software, pag-aari ng iba't-ibang establisamento, pag-aari ng mga higanteng malls, o simpleng pagbenta lamang ng mga malalasang manok, samahan mo pa ng malinamnam na gravy. Sarap!


Nasa dugo na natin ang maging maalam pagdating sa pera. Gagawin natin ang lahat makakuha o kumita lamang ng kaaya-ayang halaga ng pera; maging masama man ito o talagang hindi pangkaraniwan. Kadalasan, nakatutuwa talaga makita ang mga Pilipino pagdating sa paghahanapbuhay kapag wala talaga silang pag-asa makakuha ng trabaho. Talagang pahirapan, talagang pasikatan, at talagang kakaiba. Walang ganyan sa states!


<->: Welcome to Megalotto 6/45! Our jackpot for tonight is P45,382,912.
<">: Wow! Ang laki ng premyo ngayon! [sabay tingin sa ticket]
<->: Alright, let's start! First number is 1......
<">: Ha?! Mga numero ko yan! Yes! Panalo ako! Woohoo!
<=>: Medyo mali ka ng konti honey.
<">: Bakit naman?
<=>: Replay yan eh!
<">: [hinimatay]


Kitams? Ganyan talaga mga Pilipino. Sadyang nakakatuwa. Sa sobrang excited eh hindi na nararamdaman ang paligid. Talagang nawawala sa sarili kapag napakalaking halaga ng pera ang pinag-uusapan. Pero sino nga naman ang hindi magiging pabaya sa kanyang kapaligiran kapag nanalo ka ng 45 milyong piso sa bente pesos na ticket.


<->: Welcome back to Who Wants To Be A Millionaire?. We are now in the jackpot question. Wala na pong help na natitira para sa ating contestant. Wala na rin pong choices sa question na ito. 10 seconds po ang time. Ready ka na ba?
<">: Reyding-reydi na po [sabay hinga ng malalim at bahagyang napautot]
<->: Alright, ang tanong mo ay... [sabay may tunog]... Kung ang 10+1=11, ilan ang kamay mo?
<">: [sa sobrang kaba, hindi na nakaisip] Sampu!
<->: [buzzer] Sayang talaga, ang tamang sagot ay dalawa. Dahil mali ka, you'll go home with nothing.
<">: Ano ba naman ito?! Una sa lotto, ngayon dito naman.


Isa pa ito. Wala nang mas susunog sa pag-asang mananalo ka kapag sumali ang oras. Dahil sa sobrang kaba, naiisip natin na parang 1 millisecond na lamang ang natitira. Mas lalong nakakaba at mas lalong nakakatawa; sa lagay na halatang hindi pinag-isipan ay kung anu-ano na ang mga nasasagot natin.


<->: 39 balls na po ang nakukuha natin. Isa na lang upang manalo ng jackpot na P1,000,000.
<">: [nag-iisip at binubulong sa sarili] O-69! O-69!
<->: Sa mga waiting po dyan at malapit nang bumingo, heto na po. Sa letrang O....
<">: [nag-iisip at binubulong parin sa sarili] O-69! O-69!
<->: Sixty--
<">: 69! 69! 69!
<->: Eight!
<+>: BINGO! BINGO! BINGO!
<->: Bingo na po mga kaibigan!
<">: [sabay sabi sa sarili] Lord, dyis pesos na lang po, pamasahe lang.


Ito talaga ang pinakamatindi sa larangan ng paswertihan. Wala nang mas nakakasuklam at nakakapangilabot kapag limitado ang mga tyansa at kalaban mo sa premyo ang mahigit isandaang taong naghahangad din maging milyonaryo. Talagang iihawin ka ng buhay, lalo na kapag malapit ka nang manalo.


Marami pa tayong paraan upang kumita at maging kasinghalaga man lang ng kurbata ni Bill Gates. Talagang gagawin natin ang lahat, makamit lang ang hinahangad na milyon upang guminhawa man lang tayo mula sa ating mga problema at pasakit sa ating buhay; kahit gaano man kahirap o kahihiya nito.


HOROSCOPE:
Virgo: August 22-September 22
September 14, 2009
- Pumunta ka sa Block 6, Lot 9, Auburn Hills Village, Baranggay Kawili-wili, Diliman, Quezon City dahil may magbibigay sayo ng P100,000,000 cash. Ngunit, bilis-bilisan mo lang dahil hindi lang ikaw ang Virgo sa mundo.

1 comment: