Thursday, August 13, 2009
Teleponong Pangkalawakan
Nauuso na ngayon ang UNLITXT, Everybodytxt, UNLICALLS, at kung anu-ano pang mga serbisyo na inihahandog ng mga telecommunications company. Marahil napakadukha na ng mga kumpanyang iyan kung walang mga serbisyong ganyan. Hindi rin nila yan ipapalabas kung wala rin ang pinagagamitan niyan, ang cellular phone, o ang patok sa kabataan ngayon, cellphone. [tanan!]
Nagsimula ang cellphone nang nangangalikot ng mga telepono at ina-upgrade ni Nathan Stubblefield. Naisip niya na kelangan ng mga tao ang telepono para makipag-ugnayan sa mga kaibigan. Ngunit, nagagawa lamang nila ito kapag nasa bahay, sapagkat may mga linya ang mga telepono, hindi nila ito madadala kung saan-saan. Inisip niya na lagyan ng "radiowave technology" ang cellphone para makatransmit na lamang ito ng mga frequency kahit saan man dalhin, maliban lang sa bundok. Bakit? Tingnan lang natin kung hindi mo mababali, mababasag, at makakain ang sarili mong buto sa kakahanap ng signal.
Ano sa tingin niyo ang unang nag-develop ng cellphone? Clue: Hindi Motorola, Nokia, Samsung, MyPhone, Sony Ericsson, o PLDT. Sirit? Na ang dugo mo? Sige na nga. Ang mga inhinyero ng Bell Labs sa AT&T ang nagdevelop ng kauna-unahang "radiophones" noong 1960's. Ginamit nila ang mga "radiophones" noong World War II para humingi ng tulong, back-up, at cheat codes para sa Metal Gear Solid 4 sa PS3. Dahil dito sa mga "radiophones" na ito nahikayat ang mga ibang kumpanya para madevelop ang unti-unting sumusikat na "radiophones".
Pagkalipas ng 40 na taon, ang mga tinatawag na "radiophones" noon ay patok na sa kabataan at hindi ginagamit sa giyera. Halos lahat ng kabataan ngayon ay may cellphone na. Ginagamit nila ito pangtext (emergency man, may pinariringgan lang, kay sweetie pie, para mang-ogags, at ang pinaka-importante sa lahat, mga jokes), pantawag (ng Jollibee delivery),pangkuha ng picture o video, pangtugtog (kung may music), pang-asar (mas maganda pag may music), o di kaya, pasahan ng mga kanta, pictures, themes, at mga-bagay-na-hindi-dapat-at-hindi-pinakikita-sa-mga-kabataan-ngunit-dahil-sa-sobrang-sipag-at-"pagkamadiskarte"-ng-mga-bata-ngayon-ay-lalo-nila-nalalaman-ang-ginagawa-ng-mga-malalagim-na-nilalang-na-nabubuhay-sa-mundo-ngayon.
Marami ring disadvantages ang cellphone. Dahil dito, medyo napapabaya na ng mga kabataan ngayon ang kanilang pag-aaral dahil nagkakaroon na sila ng relasyon sa mga kapwa kabataan na ipinakikilala lang sa kanila ng mga pinsan o di kaya, kung kani-kaninong number na nakikita nilang mga vandal sa bus, armchair, o sa pintuan ng cubicle sa banyo. Nalalaganap rin ang konsepto ng "P-word" (tatawagin na lang nating "P-word" para sa mga batang makakabasa nito. Para naman sa mga batang makakabasa nito, ang "P-word" ay isang uri ng salita na dapat niyong malaman pag kayo ay 20-40 years old na.).
Maliban sa mga negatibong bunga ng mga cellphone ngayon, ito ay isang magandang imbensyon at dapat ipalaganap ngayon. Dahil sa sobrang laki ng reputasyon at demanda ng mga magagarang cellphone ngayon, nagbubunga ito ng mga bagong cellphone na parang ginawa ni Albert Einstein, Bill Gates, at ni Estong Tutong. Matalino, hi-tech, at maganda para sa mga matatanda.
Maganda pa ang kinabukasan ng mga cellular phones. Baka pagdating ng 2030's, may watergun na ang mga cellphone. Hindi na muli magsasayang ng P20 ang mga grade school at high school students para magbasaan tuwing intramurals at foundation day. Baka rin maging laptop na ang mga cellphone. Magagawa na rin natin ang mga gawain natin sa trabaho, mag-research, o mag-surf ng videos ni MoyMoyPalaboy sa YouTube. Ngunit, sa lahat ng mga serbisyong nailalahad ng mga kasalukuyang cellphone ngayon, sana marunong ako maglaro ng Metal Gear Solid 4.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment