Thursday, August 20, 2009

Who Wants To Be A Multi-Millionaire?

Bill Gates, Lucio Tan, Henry Sy, Warren Buffet, Jollibee, Ronald McDonald, at Colonel Sanders. Ano ang pagkakapareho ng mga pangalang binanggit? Hindi lahat nerd, hindi lahat enterpreneur, at lalong hindi lahat tao. Sila ang simbolo ng kayamanan at kaperahan sa ating komunidad. Sino ba naman ang hindi yayaman sa pag-imbento ng sikat na software, pag-aari ng iba't-ibang establisamento, pag-aari ng mga higanteng malls, o simpleng pagbenta lamang ng mga malalasang manok, samahan mo pa ng malinamnam na gravy. Sarap!


Nasa dugo na natin ang maging maalam pagdating sa pera. Gagawin natin ang lahat makakuha o kumita lamang ng kaaya-ayang halaga ng pera; maging masama man ito o talagang hindi pangkaraniwan. Kadalasan, nakatutuwa talaga makita ang mga Pilipino pagdating sa paghahanapbuhay kapag wala talaga silang pag-asa makakuha ng trabaho. Talagang pahirapan, talagang pasikatan, at talagang kakaiba. Walang ganyan sa states!


<->: Welcome to Megalotto 6/45! Our jackpot for tonight is P45,382,912.
<">: Wow! Ang laki ng premyo ngayon! [sabay tingin sa ticket]
<->: Alright, let's start! First number is 1......
<">: Ha?! Mga numero ko yan! Yes! Panalo ako! Woohoo!
<=>: Medyo mali ka ng konti honey.
<">: Bakit naman?
<=>: Replay yan eh!
<">: [hinimatay]


Kitams? Ganyan talaga mga Pilipino. Sadyang nakakatuwa. Sa sobrang excited eh hindi na nararamdaman ang paligid. Talagang nawawala sa sarili kapag napakalaking halaga ng pera ang pinag-uusapan. Pero sino nga naman ang hindi magiging pabaya sa kanyang kapaligiran kapag nanalo ka ng 45 milyong piso sa bente pesos na ticket.


<->: Welcome back to Who Wants To Be A Millionaire?. We are now in the jackpot question. Wala na pong help na natitira para sa ating contestant. Wala na rin pong choices sa question na ito. 10 seconds po ang time. Ready ka na ba?
<">: Reyding-reydi na po [sabay hinga ng malalim at bahagyang napautot]
<->: Alright, ang tanong mo ay... [sabay may tunog]... Kung ang 10+1=11, ilan ang kamay mo?
<">: [sa sobrang kaba, hindi na nakaisip] Sampu!
<->: [buzzer] Sayang talaga, ang tamang sagot ay dalawa. Dahil mali ka, you'll go home with nothing.
<">: Ano ba naman ito?! Una sa lotto, ngayon dito naman.


Isa pa ito. Wala nang mas susunog sa pag-asang mananalo ka kapag sumali ang oras. Dahil sa sobrang kaba, naiisip natin na parang 1 millisecond na lamang ang natitira. Mas lalong nakakaba at mas lalong nakakatawa; sa lagay na halatang hindi pinag-isipan ay kung anu-ano na ang mga nasasagot natin.


<->: 39 balls na po ang nakukuha natin. Isa na lang upang manalo ng jackpot na P1,000,000.
<">: [nag-iisip at binubulong sa sarili] O-69! O-69!
<->: Sa mga waiting po dyan at malapit nang bumingo, heto na po. Sa letrang O....
<">: [nag-iisip at binubulong parin sa sarili] O-69! O-69!
<->: Sixty--
<">: 69! 69! 69!
<->: Eight!
<+>: BINGO! BINGO! BINGO!
<->: Bingo na po mga kaibigan!
<">: [sabay sabi sa sarili] Lord, dyis pesos na lang po, pamasahe lang.


Ito talaga ang pinakamatindi sa larangan ng paswertihan. Wala nang mas nakakasuklam at nakakapangilabot kapag limitado ang mga tyansa at kalaban mo sa premyo ang mahigit isandaang taong naghahangad din maging milyonaryo. Talagang iihawin ka ng buhay, lalo na kapag malapit ka nang manalo.


Marami pa tayong paraan upang kumita at maging kasinghalaga man lang ng kurbata ni Bill Gates. Talagang gagawin natin ang lahat, makamit lang ang hinahangad na milyon upang guminhawa man lang tayo mula sa ating mga problema at pasakit sa ating buhay; kahit gaano man kahirap o kahihiya nito.


HOROSCOPE:
Virgo: August 22-September 22
September 14, 2009
- Pumunta ka sa Block 6, Lot 9, Auburn Hills Village, Baranggay Kawili-wili, Diliman, Quezon City dahil may magbibigay sayo ng P100,000,000 cash. Ngunit, bilis-bilisan mo lang dahil hindi lang ikaw ang Virgo sa mundo.

Friday, August 14, 2009

Napansin mo na ba?


Sabi sa mga iba't - ibang survey na tayo raw mga Pilipino ay isa sa mga pinakamasasayang tao sa buong mundo. Totoo naman, palagi nga naman tayong nakakakita ng mga taong tuwang - tuwa sa mga kwentuhan, usapan, at mga corny jokes. Sa lagay na isa nga tayo sa mga pinakamasasayang tao sa buong daigdig, masaya ba tayo na tayo ay mga Pilipino? Masaya ba tayo sa bansa natin? At higit sa lahat, may prinsipiyo at respeto pa ba tayo sa pula-asul-puti, sa araw at tatlong magigiting na tala? Para kasing nilalabag natin ang nilalaman at saloobin ng Panatang Makabayan pag nasa bansa, at napakalaking karangalan ito pag tayo ay nasa ibang bansa. Ano ba ang pinapakita natin?


Napansin mo na ba ang mga tambay sa kanto, bilyaran, sari-sari store, at sabungan? Pansin natin kaagad na puro beer, alak, at sigarilyo lang ang nasa loob ng kukote nila. Nagagawa pa nga nilang dumura sa mga gilid - gilid, sumabay sa asong umiihi sa tabi para may masisi, at laiitin ang mga taong natatakot at mas mahina sa kanila. Pero, sa mga mapapalad na makakapangibang-bansa, mapapansin natin na hindi nila kayang gawin ang mga kanilang pangkaraniwang gawain. Ano ba ang pinapakita nila?


Napansin mo na ba ang mga kaskaserong tsuper ng mga bus at jeep? Grabeng harurot! Talagang walang sinsantong kotse, mamamayan, at speed limit sign. Hindi lamang yan, sa itim ng usok na nagmumula sa mga malalaking tambutso sa likod ng mga behikulong nasabi ay halos wala nang makakita sa kalsada na nagsasanhi ng mga malulubhang aksidente, at binabawasan ng patinggi - tinggi ang mga buhay ng ating kabataan na magsisilbing kinabukasan ng ating bayan. Ngunit, pag sila nama'y nakakuha ng trabaho sa ibang bansa bilang tsuper, nagagawa naman nilang sundin ang mga patakaran ng bansang kinatutungtungan nila. Ano ba ang pinapakita nila?


Napansin mo na ba ang mga "uber" class na mga babae aka "kikay girls" ngayon? Alam naman natin na sila ang mga uri ng tao na maituturing maykaya at nasa mataas na estado ng pamayanan. At mas lalong alam natin na sila ang mga uri ng tao na sa isang tingin lang, alam na natin na halos lahat ng ari - arian dito sa lupa ay meron sila. Madalas natin silang makita na may pink handbag, high-tech gadgets, engradeng damit, at palaging tumatambay sa iba't - ibang coffee shops. Sa unang tingin pa lang, halatang pinapakita nila na lahat ay meron sila. Ngunit, hindi naman nila kayang gawin na magdala ng bayong, gumamit ng tsinelas na gawa sa abaca, at bilhin ang mga abanikong gawa sa iba't - ibang probinsiya sa bansa. Ano ba ang pinapakita nila?


Napansin mo na ba ang mga "enterpreneur" sa ating pamayanan ngayon? Sila ang mga dugong - bughaw, kumbaga, mga maharlika. Malamang, gawa sa ginto ang kanilang mga bahay. May plasma T.V. bawat sulok. Tubig ng toilet nila ay Pepsi. At baka nga, eh, shower nila pera. Para ngang ang bawat bulsa ng kanilang mga pantalon ay may perang hindi kukulang sa kikitain mo sa buong buhay mo. Sa ganitong uri ng pamumuhay, malamang, eh, napaka-enganyo ng kanilang kainan, yun bang parang mga kainan tuwing may appointment sa White House. Bawat order ay nakakabulol na salita at iba't - ibang spelling, tulad ng shish kabob/shish kebob/shish kebab/shish kabab. Ngunit, hindi naman nila kayang kumain ng mga pagkaing pagkasimpleng bigkasin tulad ng pakbet, sinigang, at ang napakasarap na dinuguan, sa publiko kasama ng mga mata ng sanlibutan dahil sa takot na masira at mag-iba ang pananaw ng mundo sa kanya. Ano ba ang pinapakita nila?


O, ano nga ba ang pinapakita nila? Kung alam mo, sagutin mo itong tanong na ito bilang isang mamamayan at matapat na Pilipino .....




..... NAPANSIN MO NA BA?

Thursday, August 13, 2009

Dream Home


Marahil ay nakakita ka na ng bahay sa mga home magazines. Mapapansin natin na ang mga kagamitan ay parang kinulayan ni Michaelangelo, inukit ni Guillermo Tolentino, at halatang makikita sa bahay ni Boy Abunda. Pero lahat naman yata tayo gustong tumira sa isang magarang bahay. Nung bata pa ako, gusto kong tumira sa kahit anong bahay basta may swimming pool. Masarap sigurong tumira sa mala-world class gym na bahay ni Michael Jordan, sa high-tech manukan ni Jolibee, o di kaya sa bodega man lang ng bahay ni Bill Gates.


Pero, kung bibigyan tayo ng isang lifetime opportunity na magdesign at magpagawa ng sarili nating bahay ay malamang wala nang mga home magazines na kukunsultahin at kaiinggitan. Lahat na siguro ng bahay ngayon ay may automatic flush, escalator, amusement center, isanlibong helium balloons para makalipad, o secured secret compartment kung saan nagmamahjong ang mga Autobots at Decepticons.

Gusto niyo bang magkaroon ng ganoong bahay? Ako rin eh. Pero KUNG ako ang gagawa ng sarili kong bahay, ganito ang mga features:


- 10,000 sq. m lot
- 7 floors
- Bawat floor may 6 na kwarto
- Bawat kwarto my 2 C.R.
- Bawat C.R. may aircon at plasma T.V.
- Fingerprint lock technology
- May voice detection na doorbell
- Indoor pool complete with mechanical waves and 2 lifeguards
- 7 na katulong........ Bawat kwarto
- P50,000 ang monthly sweldo
- May 7 na plasma T.V. bawat floor
- May mini-sala bawat kwarto
- May playroom
- May mini-bar bawat kwarto
- May PS3, XBOX 360, at Nintendo Wii bawat kwarto
- May waterbed
- May waterfloor
- May waterfalls
- May engrandeng library
- May sinehan
- May bowling alley
- May sauna room
- May bingohan
- May ice skating rink (olympic size)
- May toy train na iniikot ang buong bahay
- May kumpletong Bose component system
- May Bose speakers sa kisame
- May high-tech kitchen equipment
- May mga chef ng KFC, T.G.I. Fridays, at Tuding's Porkchop
- May basketball court, gym, garahe na kasya ang 17 na monster trucks, may grotto na kasinlaki ng bahay, may 10 gwardya na nagpapatrol, Autobots lahat ng kotse ko, Royal Jet ang service, Aluminum ang pintura ng bahay, lahat ng nasa loob ay gawa sa ginto, dyamante, at chocolate, charmed ni Albus Dumbledore, kayang maglakad, tumalon, kumanta, at mag-pusoy dos.


Hindi lamang yan ang gusto kong ma-equip sa bahay ko, marami-rami pa naman ang dinodoodle ng utak ko. Pero kailangan din natin laruin ang laro ng buhay para makamit ang lahat ng yan. Speaking of paglalaro, kakapanalo pa lang ni Bumblebee sa mahjong.

Teleponong Pangkalawakan


Nauuso na ngayon ang UNLITXT, Everybodytxt, UNLICALLS, at kung anu-ano pang mga serbisyo na inihahandog ng mga telecommunications company. Marahil napakadukha na ng mga kumpanyang iyan kung walang mga serbisyong ganyan. Hindi rin nila yan ipapalabas kung wala rin ang pinagagamitan niyan, ang cellular phone, o ang patok sa kabataan ngayon, cellphone. [tanan!]


Nagsimula ang cellphone nang nangangalikot ng mga telepono at ina-upgrade ni Nathan Stubblefield. Naisip niya na kelangan ng mga tao ang telepono para makipag-ugnayan sa mga kaibigan. Ngunit, nagagawa lamang nila ito kapag nasa bahay, sapagkat may mga linya ang mga telepono, hindi nila ito madadala kung saan-saan. Inisip niya na lagyan ng "radiowave technology" ang cellphone para makatransmit na lamang ito ng mga frequency kahit saan man dalhin, maliban lang sa bundok. Bakit? Tingnan lang natin kung hindi mo mababali, mababasag, at makakain ang sarili mong buto sa kakahanap ng signal.


Ano sa tingin niyo ang unang nag-develop ng cellphone? Clue: Hindi Motorola, Nokia, Samsung, MyPhone, Sony Ericsson, o PLDT. Sirit? Na ang dugo mo? Sige na nga. Ang mga inhinyero ng Bell Labs sa AT&T ang nagdevelop ng kauna-unahang "radiophones" noong 1960's. Ginamit nila ang mga "radiophones" noong World War II para humingi ng tulong, back-up, at cheat codes para sa Metal Gear Solid 4 sa PS3. Dahil dito sa mga "radiophones" na ito nahikayat ang mga ibang kumpanya para madevelop ang unti-unting sumusikat na "radiophones".


Pagkalipas ng 40 na taon, ang mga tinatawag na "radiophones" noon ay patok na sa kabataan at hindi ginagamit sa giyera. Halos lahat ng kabataan ngayon ay may cellphone na. Ginagamit nila ito pangtext (emergency man, may pinariringgan lang, kay sweetie pie, para mang-ogags, at ang pinaka-importante sa lahat, mga jokes), pantawag (ng Jollibee delivery),pangkuha ng picture o video, pangtugtog (kung may music), pang-asar (mas maganda pag may music), o di kaya, pasahan ng mga kanta, pictures, themes, at mga-bagay-na-hindi-dapat-at-hindi-pinakikita-sa-mga-kabataan-ngunit-dahil-sa-sobrang-sipag-at-"pagkamadiskarte"-ng-mga-bata-ngayon-ay-lalo-nila-nalalaman-ang-ginagawa-ng-mga-malalagim-na-nilalang-na-nabubuhay-sa-mundo-ngayon.


Marami ring disadvantages ang cellphone. Dahil dito, medyo napapabaya na ng mga kabataan ngayon ang kanilang pag-aaral dahil nagkakaroon na sila ng relasyon sa mga kapwa kabataan na ipinakikilala lang sa kanila ng mga pinsan o di kaya, kung kani-kaninong number na nakikita nilang mga vandal sa bus, armchair, o sa pintuan ng cubicle sa banyo. Nalalaganap rin ang konsepto ng "P-word" (tatawagin na lang nating "P-word" para sa mga batang makakabasa nito. Para naman sa mga batang makakabasa nito, ang "P-word" ay isang uri ng salita na dapat niyong malaman pag kayo ay 20-40 years old na.).


Maliban sa mga negatibong bunga ng mga cellphone ngayon, ito ay isang magandang imbensyon at dapat ipalaganap ngayon. Dahil sa sobrang laki ng reputasyon at demanda ng mga magagarang cellphone ngayon, nagbubunga ito ng mga bagong cellphone na parang ginawa ni Albert Einstein, Bill Gates, at ni Estong Tutong. Matalino, hi-tech, at maganda para sa mga matatanda.


Maganda pa ang kinabukasan ng mga cellular phones. Baka pagdating ng 2030's, may watergun na ang mga cellphone. Hindi na muli magsasayang ng P20 ang mga grade school at high school students para magbasaan tuwing intramurals at foundation day. Baka rin maging laptop na ang mga cellphone. Magagawa na rin natin ang mga gawain natin sa trabaho, mag-research, o mag-surf ng videos ni MoyMoyPalaboy sa YouTube. Ngunit, sa lahat ng mga serbisyong nailalahad ng mga kasalukuyang cellphone ngayon, sana marunong ako maglaro ng Metal Gear Solid 4.

The Starbucks Principle by: Nick Garcia (taken from Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?)

Haven't you noticed how Starbucks has taken the place of Megamall, Enchanted Kingdom, and Jollibee? Today, Starbucks spells gimmick. Suddenly, everyone is mad about coffee, and is willing to spend a whopping hundred bucks for "one tall mocha frappe please!" or "I'll have one grande iced coffee please!". Everyone claims it's different, it's something else, it's to die for. Instead of catching a nice flick at the cinema, the Filipinos' new idea of fun is to voluntarily park their buns at the cafe and gulp all the caffeine they can.


No one knows exactly why Starbucks has become the hot spot, when what they serve is just foamed Blend 45 for crying out loud. Oh, try pointing this out to Starbucks fanatics (i.e. the likes of teeny-boppers and kikay girls) and you can expect getting attacked on how little you know about coffee, Get ready with answers like "Duh!, Starbucks isn't just coffee! They're ground beans and processed chocolate and skimmed milk! What do you know about that?"


They have a point there, though, because even in the United States, when you talk about coffee, Starbucks comes first. Their ingredients are never questionable, and if I'm not mistaken, Starbucks is an established-since-year brand. In short, Starbucks is the coffee authority. But it ends there. Starbucks is coffee, period. Certainly not a gimmick place of some sort, not convincing enough as an alternative for the mall. This, I repeat, is the case in the United States.


But Starbucks invades Manila and here it becomes an obsession. As you may have already seen, the interiors of Starbucks cafes are all designed to create a distinct ambience. Notice from the Italian-tiled flooring, to the cowboy-motif wall covering, to the fancy lamps, tables and chairs crafted like those only seen in home magazines. Of course, who would miss the complicated bar counter, behind which all the grinders and blenders are dislayed as if to remind you that they really do process your cappuccino.


I mean, who can resist frequenting a posh place like this? Instead of worrying about other important things, the typical kikay teenager puts on her best dress, and with her kikay friends, goes straight to starbucks where she orders "one tall caramel frappe please!" This takes time to prepare, which is fine. She feels rewarded by the fact that the ethical barista would shout her name across the room by the time her frappe is ready. After she claims it, she heads for the self-service corner where she takes excessive packets of extra sugar, extra cream, an inch thick of Starbucks tissue paper for souvenir. Then, she sits by the front window, hoping someone she knows would pass by and see her drinking expensive coffee. She takes remarkably small sips in order to prolong her stay, like a real smart-ass.


During the entire process, there is the obligatory flaunting of Nokia cellphones, the occasional eruptions o "yeah" and "sure" here and there. You get the impression everyone in the room is from the conyo sector. Pathetic as it is, the Starbucks atmosphere is so contagious that it simply brings out the social climber in one.


You have to admit that the Philippine franchiser-whoever he is-deserves credit. He's not certainly stupid. He sees through us Filipinos, and definitey knows how to flatter us. Mr. Starbucks is aware of the average Pinoy desire to be associated and considered among the elite because well, in reality, the average Pinoy is far from being that. The average Pinoy home is less attractive than a place like Starbucks. The average Pinoy meal is without garnishes. The average Pinoy environment is less comforting and convenient than the service of Starbucks.


But when in Starbucks, the average Pinoy is instantly made to feel he's in New York, or Las Vegas, or Paris, or anywhere else but Manila-one probable reason why we Filipinos buy this flick. We are total suckers for anything that is western concept. But Starbucks has gone beyond colonial mentality; it has become pure escapism. It helps us forgt about EDSA traffic jam, the hostages in Mindanao, and the decreasing popularity of Erap. In this age of harsh realities of poverty and chaos, anything that offers oblivion and temporary indulgence sells fast. No matter how costly it is.


With their little creativity in repackaging, Starbucks is no longer just coffee. It's already a religion. That we Filipinos practically worship that green logo with the exotic lady shows where we derive our strength to move on. It is the promise of Starbucks every pay day.