Friday, July 30, 2010
Shawarma
Title pa lang ang sarap na eh, no? Matagal-tagal ko na rin palang naiwan ang mundo ng blogging. Naisingit ko lang ang oras na ito sa gitna ng apatnapu't walong oras na natitira para gawin ang aking pitong takda. Pero biruin mo, halos siyam na buwan nang sinisigaw ng puso ng blog ko ang pangalan ko. Kung may asawa siguro ako, ang topic ko ngayon ang ipapangalan ko sa anak ko, bigat ng anak ko, o di kaya haba ng kanyang... buhok sa... ulo ng... katawan. Enough na sa baby talk, balik tayo sa topic.
Bakit ba napakasarap ng shawarma? Marami akong nakikitang taong ngumunguya, naglalakad, at nagsasalita ng may shawarma sa bibig o sa kamay. Yung iba nga eh, kulang na lang maging arabo. Pero kahit ako, talagang hilig kong bumili at kumain ng shawarma. Hindi ko sinasanto ang bawat shawarma stall na makita ko, maliban lang kung busog ako o najejebs. Pero kung hindi, bibili ako ng isa o dalawang large shawarma pita at kukunsumuhin ko ng parang mani.
Nagsimula ang shawarma sa mga arabo. Ang mga kasangkapan nito ay gawa sa iba't-ibang tradisyunal na pagkain na kinahihiligan ng mga arabo. Pero dahil nasa Pilipinas tayo at talagang may talentado talaga sa lahi natin, asahan mong iba ang version niyan dito sa bansa. Imbes na iba't-ibang spices ang ilalagay, dahil nga medyo may kuripotism tayo pero sadyang madiskarte, nagawa nating gamitin ang lahat ng mga pagkaing makikita sa Pilipinas na sa tingin natin ay may aurang arabo. Yan ang kamatis, pipino, sibuyas, at higit sa lahat, sibuyas. Binabalutan ito ng malaki o maliit na pita bread, depende kung gaano ka-PG yung bibili. Tulad ko.
Sa lahat ng taong naghahanap ng pamatid-gutom, isang malaking pintuan ang maliit na stall ng shawarma. Kausapin ng malumanay ang tindero ng shawarma na nakasuot ng turbana ng muslim at kimono ng mga hapon. Magugulat ka kung gaano kabibilis maglagay ng mga gulay at baka yung tindero. Kala mo nakaecstasy. Ang best part ng pagbili ng shawarma ay ang part kung saan hinihiwa ng tindero ang baka. Yung mistulang ginagawang gunting ang mga kutsilyo na kamukha ng bolo na ginamit ni Lapu-Lapu nang ipinakilala niya ang sakramento ng pagiging tunay na lalaki (sa mga batang makakabasa nito, tanungin niyo sa inyong mga ama kung ano ito.) Pagkatapos mamangha sa mga kakaibang kapangyarihan ng mga nilalang na ito, ibahagi ang inyong bayad upang makamit ang inyong inaasam-asam na pagkain, takam, at hiningang-bumbay. Paalala: Maghanda ng barya dahil kalimitan ay wala silang panukli (ito ay base sa aking mga karanasan.)
"Kung hindi ka pa nakakakain ng shawarma, malamang ay may kakilala kang nakakain na nito. Tanungin mo siya kung masarap. Kapag sinabi niyang masarap, masarap. Kapag sinabi niyang pangit ang lasa, siya ay sinungaling at dapat gawing shawarma."
Friday, November 13, 2009
Giyera ng mga Carinderia
ISANG MAIKLING KWENTO. WALANG DAYALOGO.
Copyright 2009 mula sa sulatin sa Filipino
This story is fictional and any similar happenings are entirely coincidental
Any illegal replication of the content is strictly prohibited (pero kung legal, ok lang)
See posters and print ads for details
If symptoms persist, consult your veterinarian
Sa isang bayan na nagngangalang Quesadilla, may isang ale na sikat dahil sa kanyang pritong manok. Siya si Aling Julie-B. Patok na patok ang kanyang carinderia, na KFC o Kanto Fried Chicken, sa kabataan, mga matatanda, at mga tambay na lawlaw ang tiyan. Malakas ang benta niya tuwing tanghali dahil yun ang oras kung kailan kumakain ang mga trabahador, bodegero, at mga baklang manikurista sa sikat na salon na Salon-ganisa.
Isang araw, naging matumal ang benta. Alas dose na ngunit wala pa ring kumakain ng kanyang mamantikang manok at umuusok na kanin. Medyo sumisilip na sa mundo ang mga usok sa namumulang tenga ni Aling Julie-B. Maya-maya, nakita niya si McDonna na may dala-dalang goto na abot sa bayan ng Tondonut ang bango. Tinanong niya si McDonna kung saan niya nabili ang kumukulong goto. Sinabi ni McDonna na nabili niya ang bumubulang goto sa isang bagong carinderia sa dulo ng bayan ng Quesadilla. Nang marinig ni Aling Julie-B ang mga salita na lumabas sa naglalaway na bibig ni McDonna, nagpasya siyang puntahan ang carinderiang iyon. Tumayo si Aling Julie-B mula sa kanyang maliit na upuan, binitawan ang pantaboy ng langaw, pinatay ang telebisyong nagmimistulang radyo sapagkat tunog na lamang ang lumalabas, ipinaubaya ang carinderia sa pamangkin niyang si Tuding, at tuluyang umalis upang bisitahin ang bagong karibal.
Matapos ang limang minutong lakad mula sa Kanto Fried Chicken, narating na ni Aling Julie-B ang kanyang hinahanap na carinderia. Tiningan niya ang carinderia. Bago, malinis, at doon kumakain ang mga baklang manikurista, na halatang-halata na napapaltusan ang mga chismosang dila dahil sa mainit na goto. Tiningnan naman ni Aling Julie-B ang plywood na tinapalan ng tarpaulin kung saan nakalagay ang pangalan ng carinderia:
"G. Congee's Goto Heaven"
Sa unang basa pa lamang ng pangalan ay masasabi na niya na kabataan ang nagmamay-ari ng gotohan. Sunod niyang tiningnan ang nagpapatakbo ng nasabing gotohan. Isang dalagita; Maganda, maputi, at halatang-halata ang kurba ng katawan. Hindi niya pinansin ang itsura ng dalaga ngunit ang reputasyon nito. Medyo nainis si Aling Julie-B dahil sa mabilis na asenso ng dalaga. Kaya't umalis siyang nakakunot ang noo. Lalong nadagdagan ang kanyang inis nang makaapak siya ng isang basang chewing gum at napadapa sa gitna ng kalsada.
Habang ginagamot ni Tuding ang mga galos ng kanyang tiyahin, nag-iisip naman si Aling Julie-B ng paraan kung paano mapaalis si G. Congee at mapabalik ang mga patay gutom na kostumer. Habang nag-iisip, nasulyapan ni Aling Julie-B ang poster ni Arnold Schwarzenegger at ni David Hasselhoff na nakaholding-hands at nakapose na parang nag-eendorse ng Avon products. Dahil sa kakaibang poster na iyon, naalala ni Aling Julie-B ang kanyang tatlong makikisig na kapatid, sina Baliwag, Andok, at Bugong. Dali-dali niyang inutusan ang tatlo upang sugurin ang Goto Heaven at ubusin ang lahat ng kasangkapan. Nagsuot na ng ninja costumes ang Julie's Angels at tuluyang gumayak para sa karumal-dumal na plano. Umupo si Aling Julie-B sa kanyang maliit na upuan at binuksan ang radyong telebisyon. Nakangiti na si Aling Julie-B nang may biglang kumatok sa kaniyang marupok na pinto, si G. Congee. Malungkot ang dalaga. Sinabi niya kay Aling Julie-B na aalis na siya sa bayan ng Quesadilla sapagkat hindi niya gusto ang pagtingin sa kanya ng mga kostumer niya. Hindi niya rin gusto ang lokasyon ng carinderia sapagkat malapit ito sa estero at tambakan ng basura. Humingi ng paumanhin si G. Congee sa pag-agaw ng mga kostumer ni Aling Julie-B, tsaka tuluyang naglayag paalis sa bayan ng Quesadilla.
Naramdaman ni Aling Julie-B ang awa nang tumalikod si G. Congee at patuloy nang naglayag patungo sa bayan ng Alabangus upang magsimula ng panibagong carinderia. Bagama't naawa si Aling Julie-B kay G. Congee, natuwa naman siya dahil babalik na ang mga suki niya at magiging malakas na naman ang benta niya. Tinawagan niya ang kanyang "Julie's Angels" at sinabi na huwag nang ituloy ang plano sapagkat umalis na si G. Congee. Matapos kausapin ni Aling Julie-B ang kanyang mga kapatid mula sa kanyang tamagotchi-sized SiPhone, pumunta si Aling Julie-B sa kanyang "Kanto Fried Chicken" upang linisin ang carinderia, patayin ang mga pesteng daga, at maghanda para sa panibagong bukas na darating.
"Alas siyete na po mga kaibigan, atdapatgumisinggisingnakayosapagkatnapakaganda..."
Pinatay ni Aling Julie-B ang AM radio ng kanyang asawang si Mang Donalds. Bumangon si Aling Julie-B mula sa kanyang salumpuwit, pumunta ng kusina, nagtimpla ng kape, pinatay ang langaw, nagluto ng itlog, at kumain ng agahan. Matapos lamunin ang agahan, agad-agad na pumunta sa carinderia si Aling Julie-B upang ihanda ang mga manok, harina, at toothbrush. Matapos ang mabigat paghahanda, binuksan na ni Aling Julie- B ang de-tukod na bintana. Masarap ang simoy ng hangin. Malamig at hindi maalikabok. Tumingin siya sa umagang langit at naramdaman niyang nginitian siya ni Haring Araw. Tiningnan naman niya ang mga batang naglalaro, nagpapadala ng diyaryo, at pumopotpot ng pandesal. Habang tuwang-tuwang pinanonood ang mga batang kasinlilikot ng mga inapakang uod, biglang may isang mamang sumigaw. Mabigat, matipuno, at nakakabingi. Lumingon si Aling Julie-B sa pinanggalingan ng malakas na tunog. Muntik na siyang tumawag ng pulis nang makita niya na si Mang Tataho lang pala iyon. Napahinga ng malalim si Aling Julie-B. Nginitian niya si Mang Tataho at bumili ng limang basong taho, sabay alok na kumain sa kanyang carinderia. Matapos lagukin ang mga maiinit na taho, kinawayan naman niya ang mga lolo't lolang nagdidilig ng kani-kanilang hardin sabay alok na naman na kumain sa kanyang carinderia. Tumayo ng may pagmamalaki at ngumit ng abot-batok sabay sabi na magiging maganda ang araw na iyon.
Dumating ang tanghali, ang oras na kinasasabikan ni Aling Julie-B buong araw. Hinanda na ang mga pritong manok, inilabas ang umuusok na kanin, at tsaka iwinagayway ang panaboy ng langaw. Pinatugtog pa niya ang theme song ng Voltes V upang umakit ng mga kostumer.
Tumunog na ang mga kampana ng simbahan, senyas na alas dose y medya na, ngunit wala pa rin ang kanyang mga suki. Mag-aala una na ngunit wala pa rin ang mga baklang manikurista...
...yun pala'y hindi na pagkain ang habol, mga papa na pala.
Biglang pumasok lahat ng ideas sa loob ng utak ni Aling Julie-B. Naisip niya na mag tayo ng panibagong parinderia, pinaghalong parlor at carinderia! At ang ipapangalan niya sa kanyang hybrid na establisamento:
"PASUBO (Parlor, Suman, Bopis)"

Thursday, October 22, 2009
50 things I want to do before I die
Napakaiksi ng buhay. Tama ako diba? Kahit na kaya nating mabuhay ng walumpung taon, parang bitin pa rin para magawa natin ang mga gusto nating gawin sa buhay. Marami tayong pangarap. Ngunit, palagi lang talagang natatakbuhan ng oras ang takbo ng buhay, parang Road Runner vs. Gary the Snail. Habang ako'y nagrurubik's at kakapanood lamang ng 2012 conspiracy videos sa YouTube, naisip ko kaagad ang mga gusto kong gawin, at ililista ko lahat ng naisip ko.
1. Magsub-17 sa Rubik's Cube
2. Maging valedictorian sa High School
3. Kumain sa Taco Bell at Italiannis
4. Matulog ng isambuong araw
5. Magtryout sa basketball varsity
6. Magdownload ng at least 4 gigabytes na kanta
7. Bumili ng 16 gigabytes na memory stick sa PSP
8. Maangkin itong laptop na ginagamit ko
9. Kung hindi man maangkin, magpa-assemble na lang ng Quad Core na CPU
10. Magkaroon ng PS3
11. Magkaroon ng at least 20 comments sa blog ko
12. Maging 100 million ang value sa Friends For Sale
13. Magkaroon ng class standing na at least 73.00
14. Makabili ng V-cube 5, V-cube 6, at V-cube 7
15. Makabili ng DIY kit sa Cube4You
16. Matutong magDotA
17. Magsub-10 sa Speed Stacks
18. Matutong magluto ng steamed rice
19. Magluto ng microwave popcorn
20. Makadunk ng basketball
21. Magkaroon ng at least 22 inches vertical leap
22. Matutong sumayaw na parang Michael Jackson
23. Mameet personally ang U.S. Dream Team, RP Powerade, at Smart Gilas
24. Magpa-autograph kay Bob Ong
25. Mawala ang kalyo sa paa ko
26. Mabasa ang lahat ng libro ni Dan Brown
27. Matutong maggantsilyo
28. Magpresident sa isang club
29. Magkaroon ng matinong trabaho
30. Makapunta sa ibang bansa
31. Maikot ang buong Metro Manila sa isang araw
32. Malinis ang buong area ng SM Mall Of Asia
33. Bilangin ang kotseng naka-park sa SM Mall Of Asia
34. Magkaroon ng banda
35. Matutong tumugtog ng Triangle
36. Makahawak ng bagpipes
37. Umimbento ng hovershoes
38. Maisagawa ang invisibility cloak
39. Maglaro ng basketball sa Araneta Coliseum
40. Makaisip pa ng sampung bagay na pwedeng gawin bago mamatay
41. Makapag-upload ng Angels and Demons sa uTorrent
42. Mag-upload ng sampung videos sa YouTube
43. Makatapos ng Challenging Sudoku sa loob ng sampung minuto
44. Makita ng harapan si Bigfoot
45. Umubos ng sabaw gamit ang toothpick
46. Lumunok ng isang shot ng hot sauce
47. Kumita ng 100 pesos sa tong its
48. Makapagpatayo ng sariling restaurant
49. Makabili ng Jeepney
50. Bumunot ng 5 buhok sa kili-kili ng ibang tao
Ang dami no? Marami pa nga akong gustong gawin eh. Hindi ko lang malista ngayon kasi gusto ko nang matulog. Magrurubik's muna ako ulit para makaisip pa ng limampung bagay na gusto kong gawin bago ako mamatay.
Napakahalaga ng buhay. Ito ang pinakamagandang regalo na ibinigay sa atin ng Diyos. Kaya mga bata, tandaan, huwag i-hostage ang estatwa ni Mama Mary para lang bigyan kayo ni Jesus ng bike.
"Time is Gold. But the Clock is Plastic"
-Filipino Words of "Wisdom"
Saturday, October 17, 2009
Bakit may mga taong matatalino?
Kilala sila Albert Einstein, Sir Isaac Newton, Leonardo Da Vinci, Patrick Star, Spongebob Squarepants at Joshua Miguel Potot bilang mga taong may angking katalinuhan, maliban lamang sa pinakahuling pangalang nabanggit. Marami silang naitala sa libro ng kasaysayan sa pamamagitan lamang ng mga simpleng bagay tulad ng mga letra, mansanas, kulay, bato, pinya, at Rubik's Cube na nagtulak sa kanila para gumawa at ipakilala sa mundo ang kanilang tagumpay. Pero bakit nga ba may mga taong matatalino?
Sabi ng karamihan na walang taong mangmang. Ngunit, bakit napakalaking porsyento ng kabataan ang bumabagsak sa klase? Alam kong hindi basehan ang mga marka para masukat ang katalinuhan ng isang tao. Marami naman kasing mga sanhi kung bakit bumababa ang mga marka ng mga kabataan ngayon. Unang-una, ang teknolohiya. Hindi na naaasikaso ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral at tumutunganga na lamang sa harap ng kompyuter magdamag, laging nakikipagtext sa mga kaibigan, at nag fa-final fantasy [turuan niyo naman ako niyan]. Dahil dito, nadidikit na ang mga kabataan sa mga kagamitang ito. At binubunga nito ang isa pang sanhi ng pagbaba ng marka, ang katamaran. Nawawalan na ng gana ang mga kabataan mag-aral. Ang gusto na lamang nila ay maglaro, magkompyuter, at higit sa lahat, magkompyuter.
Hindi nakikita ang katalinuhan sa isang papel. Hindi ito nakakain; at mas lalong hindi ito nabibili [sana nabibili ito, please lang!]. Katunayan niyan, ang mga taong nabanggit sa taas ay nagmula sa miserableng kabataan. Lalong-lalo na si Mr. E-equals-M-C-squared.
Marami sanhi kung bakit may mga taong matatalino. Maaaring makuha ito sa mga magulang.Maaari ring lumaganap ito sa mga taong "mangmang" at maging matalino! O diba? Magic! Si Alberto Einstein-o ay isang makulit na bata. Bumagsak siya sa mga asignaturang matematika, agham, at Sudoku. Ngunit, dahil sa kanyang pagiging matanong at "curious", natulak siya upang sumubok ng iba't-ibang bagay na kanyang mahawakan at makita, tulad ng compass (yung north-south, hindi yung lapis-ikot), at DotA. Dahil sa pagiging matanong niya, siya'y naging isang malaking personalidad sa mundo ng agham, katulad nina Isaac Newton at Mrs. Chua. Ika nga nila, "Marunong ang nagtatanong; pinagtanungan mo, hindi marunong; nagtanong ka pa!".
Ang tao ay matalino sa ibat-ibang paraan. Merong matalino sa pasinungalingan, matalino sa patalinuhan, at matalino sa mangmangan. Peksman! Sa pagsagot lamang ng mga simpleng tanong o sa pagtulong sa mga taong may malalaking problema, tulad ng paghahanap ng isang butil ng bigas sa isang kilometrong dalampasigan, ay natatawag ka nang matalino. Huwag kang magpaapekto sa mga taong tumatawag sa iyong mangmang dahil hindi naman talaga totoo na ikaw ay ganoong uri ng tao, maliban lang kung tikman mo yung tae tapos matutuwa ka dahil hindi mo natapakan.
Monday, September 28, 2009
Ondoy
Bumaha ba sa inyo nung Sabado; Setyembre 26, 2009 para eksakto? Kapag ika'y taga-Luzon at nabasa mo ito ay marahil binaha kayo ng mataas o mababa. Grabe no? Isang mahanging gabi naging maulang araw. Hindi naman ako nagdadrama pero, wala lang, wala talaga akong matalakay [ngiti]. Akalain mong sa sobrang daming araw na umulan, doon mismong araw na iyon ibinuhos ang drainage system ng langit. Talagang katiting lang na oras lumabas yung araw nang mahigit tatlong linggo. Tapos nun, parang bumalik ulit yung panahon ni Noah, mas kinulang nga lang sa time span.
Mga tatlong linggo na umuulan dahil siguro sa sunud-sunod na tropical depressions at bagyong tumatama sa ating mga dalampasigan. Bawat umaga, makulimlim [ang sarap tuloy matulog!]. Bawat tanghali, makulimlim. Bawat hapon, makulimlim. Bawat gabi, maku-- madilim. Talagang hindi tinamaan ang ating bansa ng sinag ng araw. Parang nawala yung araw sa watawat natin. Pero, may mga minuto namang lumabas yung malaking bituin; tsaka mababalutan ulit ng mga ulap na parang cotton candy na nalaglag sa putikan.
Ayun! Sabado ng tanghali. Nagtaka ako "tanghali nga ba?". Ang dilim kasi, tapos yung orasan namin, 12:48 P.M. Huh? Walangyanghanepasyet! 12:48?! Tanghali?! Sabagay, malamig naman. Napasarap yung panonood ko nung Ratatouille sa Disney Channel. Maya-maya, biglang nagfluctuate yung kuryente. Normal lang naman pag maulan. Maya-maya ulit, nawala yung cable. Normal lang din yan pag maulan. Nag-PSP muna ako para medyo mawala yung bagot at yung tahimik na atmosphere sa bahay. Maya-maya, nawala yung kuryente. Medyo weird kasi hindi naman palaging nawawala yung kuryente sa amin kapag umuulan. Sinilip ko yung bintana. Medyo baha. Bahagya lang naman. Nag-PSP ulit ako. Isang oras na lumipas. Tinawag ako ng kapatid ko. Yung baha daw, nasa harap na ng garahe. Hanepangwalangyangsyet! Nasa harap na?! Isang oras, nasa harap na?! Dun na ako naelibs. Ang hina ng ulan, pero bumaha. Tsaka ko lang nalaman na sobrang lalim na pala ng baha. Dun sa tapat ng gate, hanggang tuhod. Dun sa gate 1 ng Alaska, hanggang bewang. Dun sa loob ng Maintenance Power Plant, hanggang leeg. Dun naman sa Puregold, lagpas tao. Wow! Lagpas tao. Ngayon lang ako nakakita ng baha na lagpas tao. Tapos, nalaman ko na tatlong-kapat na ng Luzon ay baha.
Grabe yung kinalabasan nung baha. Sarado ang Puregold. Sarado yung DIY shop. Sarado Chowking. Buti na lang at hindi nagsara yung Ting Qua Qua. Stop ang operation ng Alaska. Grabe ang kapal ng putik sa kalsada. Kaelibs talaga. Nakakaawa nga lang yung Puregold. Sayang yung mga paninda. Sarap pa naman nung Zagu nila. Tsk.

Thursday, August 20, 2009
Who Wants To Be A Multi-Millionaire?
Bill Gates, Lucio Tan, Henry Sy, Warren Buffet, Jollibee, Ronald McDonald, at Colonel Sanders. Ano ang pagkakapareho ng mga pangalang binanggit? Hindi lahat nerd, hindi lahat enterpreneur, at lalong hindi lahat tao. Sila ang simbolo ng kayamanan at kaperahan sa ating komunidad. Sino ba naman ang hindi yayaman sa pag-imbento ng sikat na software, pag-aari ng iba't-ibang establisamento, pag-aari ng mga higanteng malls, o simpleng pagbenta lamang ng mga malalasang manok, samahan mo pa ng malinamnam na gravy. Sarap!
Nasa dugo na natin ang maging maalam pagdating sa pera. Gagawin natin ang lahat makakuha o kumita lamang ng kaaya-ayang halaga ng pera; maging masama man ito o talagang hindi pangkaraniwan. Kadalasan, nakatutuwa talaga makita ang mga Pilipino pagdating sa paghahanapbuhay kapag wala talaga silang pag-asa makakuha ng trabaho. Talagang pahirapan, talagang pasikatan, at talagang kakaiba. Walang ganyan sa states!
<->: Welcome to Megalotto 6/45! Our jackpot for tonight is P45,382,912.
<">: Wow! Ang laki ng premyo ngayon! [sabay tingin sa ticket]
<->: Alright, let's start! First number is 1......
<">: Ha?! Mga numero ko yan! Yes! Panalo ako! Woohoo!
<=>: Medyo mali ka ng konti honey.
<">: Bakit naman?
<=>: Replay yan eh!
<">: [hinimatay]
Kitams? Ganyan talaga mga Pilipino. Sadyang nakakatuwa. Sa sobrang excited eh hindi na nararamdaman ang paligid. Talagang nawawala sa sarili kapag napakalaking halaga ng pera ang pinag-uusapan. Pero sino nga naman ang hindi magiging pabaya sa kanyang kapaligiran kapag nanalo ka ng 45 milyong piso sa bente pesos na ticket.
<->: Welcome back to Who Wants To Be A Millionaire?. We are now in the jackpot question. Wala na pong help na natitira para sa ating contestant. Wala na rin pong choices sa question na ito. 10 seconds po ang time. Ready ka na ba?
<">: Reyding-reydi na po [sabay hinga ng malalim at bahagyang napautot]
<->: Alright, ang tanong mo ay... [sabay may tunog]... Kung ang 10+1=11, ilan ang kamay mo?
<">: [sa sobrang kaba, hindi na nakaisip] Sampu!
<->: [buzzer] Sayang talaga, ang tamang sagot ay dalawa. Dahil mali ka, you'll go home with nothing.
<">: Ano ba naman ito?! Una sa lotto, ngayon dito naman.
Isa pa ito. Wala nang mas susunog sa pag-asang mananalo ka kapag sumali ang oras. Dahil sa sobrang kaba, naiisip natin na parang 1 millisecond na lamang ang natitira. Mas lalong nakakaba at mas lalong nakakatawa; sa lagay na halatang hindi pinag-isipan ay kung anu-ano na ang mga nasasagot natin.
<->: 39 balls na po ang nakukuha natin. Isa na lang upang manalo ng jackpot na P1,000,000.
<">: [nag-iisip at binubulong sa sarili] O-69! O-69!
<->: Sa mga waiting po dyan at malapit nang bumingo, heto na po. Sa letrang O....
<">: [nag-iisip at binubulong parin sa sarili] O-69! O-69!
<->: Sixty--
<">: 69! 69! 69!
<->: Eight!
<+>: BINGO! BINGO! BINGO!
<->: Bingo na po mga kaibigan!
<">: [sabay sabi sa sarili] Lord, dyis pesos na lang po, pamasahe lang.
Ito talaga ang pinakamatindi sa larangan ng paswertihan. Wala nang mas nakakasuklam at nakakapangilabot kapag limitado ang mga tyansa at kalaban mo sa premyo ang mahigit isandaang taong naghahangad din maging milyonaryo. Talagang iihawin ka ng buhay, lalo na kapag malapit ka nang manalo.
Marami pa tayong paraan upang kumita at maging kasinghalaga man lang ng kurbata ni Bill Gates. Talagang gagawin natin ang lahat, makamit lang ang hinahangad na milyon upang guminhawa man lang tayo mula sa ating mga problema at pasakit sa ating buhay; kahit gaano man kahirap o kahihiya nito.
HOROSCOPE:
Virgo: August 22-September 22
September 14, 2009
- Pumunta ka sa Block 6, Lot 9, Auburn Hills Village, Baranggay Kawili-wili, Diliman, Quezon City dahil may magbibigay sayo ng P100,000,000 cash. Ngunit, bilis-bilisan mo lang dahil hindi lang ikaw ang Virgo sa mundo.

Friday, August 14, 2009
Napansin mo na ba?
Sabi sa mga iba't - ibang survey na tayo raw mga Pilipino ay isa sa mga pinakamasasayang tao sa buong mundo. Totoo naman, palagi nga naman tayong nakakakita ng mga taong tuwang - tuwa sa mga kwentuhan, usapan, at mga corny jokes. Sa lagay na isa nga tayo sa mga pinakamasasayang tao sa buong daigdig, masaya ba tayo na tayo ay mga Pilipino? Masaya ba tayo sa bansa natin? At higit sa lahat, may prinsipiyo at respeto pa ba tayo sa pula-asul-puti, sa araw at tatlong magigiting na tala? Para kasing nilalabag natin ang nilalaman at saloobin ng Panatang Makabayan pag nasa bansa, at napakalaking karangalan ito pag tayo ay nasa ibang bansa. Ano ba ang pinapakita natin?
Napansin mo na ba ang mga tambay sa kanto, bilyaran, sari-sari store, at sabungan? Pansin natin kaagad na puro beer, alak, at sigarilyo lang ang nasa loob ng kukote nila. Nagagawa pa nga nilang dumura sa mga gilid - gilid, sumabay sa asong umiihi sa tabi para may masisi, at laiitin ang mga taong natatakot at mas mahina sa kanila. Pero, sa mga mapapalad na makakapangibang-bansa, mapapansin natin na hindi nila kayang gawin ang mga kanilang pangkaraniwang gawain. Ano ba ang pinapakita nila?
Napansin mo na ba ang mga kaskaserong tsuper ng mga bus at jeep? Grabeng harurot! Talagang walang sinsantong kotse, mamamayan, at speed limit sign. Hindi lamang yan, sa itim ng usok na nagmumula sa mga malalaking tambutso sa likod ng mga behikulong nasabi ay halos wala nang makakita sa kalsada na nagsasanhi ng mga malulubhang aksidente, at binabawasan ng patinggi - tinggi ang mga buhay ng ating kabataan na magsisilbing kinabukasan ng ating bayan. Ngunit, pag sila nama'y nakakuha ng trabaho sa ibang bansa bilang tsuper, nagagawa naman nilang sundin ang mga patakaran ng bansang kinatutungtungan nila. Ano ba ang pinapakita nila?
Napansin mo na ba ang mga "uber" class na mga babae aka "kikay girls" ngayon? Alam naman natin na sila ang mga uri ng tao na maituturing maykaya at nasa mataas na estado ng pamayanan. At mas lalong alam natin na sila ang mga uri ng tao na sa isang tingin lang, alam na natin na halos lahat ng ari - arian dito sa lupa ay meron sila. Madalas natin silang makita na may pink handbag, high-tech gadgets, engradeng damit, at palaging tumatambay sa iba't - ibang coffee shops. Sa unang tingin pa lang, halatang pinapakita nila na lahat ay meron sila. Ngunit, hindi naman nila kayang gawin na magdala ng bayong, gumamit ng tsinelas na gawa sa abaca, at bilhin ang mga abanikong gawa sa iba't - ibang probinsiya sa bansa. Ano ba ang pinapakita nila?
Napansin mo na ba ang mga "enterpreneur" sa ating pamayanan ngayon? Sila ang mga dugong - bughaw, kumbaga, mga maharlika. Malamang, gawa sa ginto ang kanilang mga bahay. May plasma T.V. bawat sulok. Tubig ng toilet nila ay Pepsi. At baka nga, eh, shower nila pera. Para ngang ang bawat bulsa ng kanilang mga pantalon ay may perang hindi kukulang sa kikitain mo sa buong buhay mo. Sa ganitong uri ng pamumuhay, malamang, eh, napaka-enganyo ng kanilang kainan, yun bang parang mga kainan tuwing may appointment sa White House. Bawat order ay nakakabulol na salita at iba't - ibang spelling, tulad ng shish kabob/shish kebob/shish kebab/shish kabab. Ngunit, hindi naman nila kayang kumain ng mga pagkaing pagkasimpleng bigkasin tulad ng pakbet, sinigang, at ang napakasarap na dinuguan, sa publiko kasama ng mga mata ng sanlibutan dahil sa takot na masira at mag-iba ang pananaw ng mundo sa kanya. Ano ba ang pinapakita nila?
O, ano nga ba ang pinapakita nila? Kung alam mo, sagutin mo itong tanong na ito bilang isang mamamayan at matapat na Pilipino .....
..... NAPANSIN MO NA BA?
Subscribe to:
Comments (Atom)